Boy Abunda tatakbong gobernador

NILINAW ng TV host na si Boy Abunda na wala siyang balak na tumakbo sa Kongreso at kung papasukin man niya ang mundo ng pulitika ay tatakbo siyang gobernador ng Eastern Samar sa 2016.

Sa isang press conference, sinabi ni Abunda na hindi bilang isang nominee ng partido ang kaniyang bagong pwesto sa Ang Ladlad Party-list kung hindi senior political adviser.

Ani Abunda, nais niyang makatulong sa nasabing grupo upang mapaghandaan nila ang inaambisyong tatlong pwesto sa Kamara pagdating ng 2013.

“Im aggresively helping and joining Ang Ladlad as its party adviser because I want this to be may legacy. I want Ladlad to win three seats in this coming 2013 national elections,” ani Abunda.

Ang Ladlad ay isang party-list para sa mga lesbiana, gays, bisexual at transgenders (LGBT). Noong nakalipas na eleksyon ay kumandidato ang grupo subalit hindi pinalad na makapasok sa Kongreso.

Kasabay nito ay tiniyak ni Abunda na magiging aktibo siya sa kampanya ng Ang Ladlad Party-list sa 2013 upang masiguro na ang panalo nito at tuluyang mabigyan ng representastyon ang third sex sa Kongreso.

Kasabay nito ay nanawagan din si Abunda at Ang Ladlad Party-list Chair Bemz Benedito sa sa mga mambabatas na ipasa ang anti-discrimiantion law dahil umaabot na aniya sa 104 ang “hate crime” na kinasasangkutan ng mga tomboy at bakla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply