Pagboykot sa Chinese products ibinasura

SA HALIP na sundin ang panawagan na iboykot ang mga produktong China, iminungkahi ni Sen. Ralph Recto na salungatin ito at himukin ang Beijing na patindihin ang kalakalan at pamumuhunan.

“The Spratlys question should be settled peacefully. You can’t be saber-rattling with China. It’s our biggest trading neighbor,” ayon kay Recto.

Ipinanawagan kamakailan ni Albay Gov. Joey Salceda na iboykot ang lahat ng mga produktong China bilang tugon sa panghihimasok ng Beijing sa teritoryo ng Pilipinas.

“The right response is to increase our trade and investments with China and, perhaps, maybe with the right growth formula, we can get even economically years from now,” dagdag niya.

Sinabi ni Recto na mas malaki ang kalakalan ng bansa sa China kaysa Estados Unidos kaya isang malaking kalokohan at hindi makatuwiran kung susundin ang panawagan na iboykot ang lahat na gawang-China.

Aniya, kung malalapit sa $900 milyon ang trade deficit ng bansa sa China, makapupuntos tayo ng isang malaking tagumpay pang-ekonomiya, na mas makabuluhan kaysa palubugin ang isa sa kanilang barko.

Umangkat ang bansa ng mahigit $7 bilyon halaga ng produkto mula sa China nitong 2010, habang umaabot lamang sa $6 bilyon ang nailuluwas ng bansa sa Beijing.

Sinabi pa ni Recto na bilang bahagi ng lumalakas na ekonomiya at tinutukoy ng iginagalang na pandaigdigang lupon na magiging top 25 na bansa na may malakas na ekonomiya sa 2025, dapat kumilos ang bansa alinsunod dito at hindi maging “boycott-happy.”

“We should not only engage China diplomatically but also through business,” giit ni Recto.

Hinikayat din ni Recto ang pamahalaan na simulan ang modernisasyon sa militar hindi para makipagsagupaan sa China o alinmang bansa na naghahabol sa Spratlys, kundi upang protektahan ang mga mangingisda, barko at kargamento, kabilang ang teritoryo ng bansa.

“You still need to build the AFP not for arms race but to protect our coral reefs and fishermen. You need to do it. You have to start somewhere,” aniya.

Ayon pa sa senador, dapat nang simulan na ng AFP, sa pangunguna ng Philippine Navy, na bumili ng modernong kagamitan at barko.

“We should start buying some of this equipment and I don’t care if we buy them from China,” giit ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply