Break-up sa misis inamin ni Chiz

TULUYAN nang binasag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang kanyang pananahimik hinggil sa sitwasyon ng kanyang kabiyak na si Christine “Tintin” Flores na asawa sa loob  ng sampung taon, matapos aminin ang kanilang paghihiwalay.

Matapos kumpirmahin ng isang entertainment columnist noong Abril ang paghihiwalay nina Escudero at Flores, kahapon lamang inamin ng senador ang tunay na score nilang mag-asawa matapos mag-guest sa unang episode ng talk show ni Kris Aquino sa ABS-CBN.

Sa bandang hulihan ng show, diretsahan nang tinanong ni Kris si Chiz kung ano na ang tunay na lagay nilang dalawa ni Tintin Flores.

“Ilan beses mo nang nasabi ang mga experiences mo with your kids and with your dad. Noong nandoon tayo (sa La Mesa Park), ilang beses mong nasabi na ‘noon ang ideal family noon’ parang the whole time hindi nabanggit si misis. If hindi kalabisan, puwede bang magtanong kung saang estado na ang buhay mo?” tanong ni Kris.

“Tulad mo at ng ilan, maraming pinagdadaanang pagsubok ang sinuman sa buhay at pamilya. Anuman ang magiging dulo nun o kahihinatnan nun siguro panahon lang ang puwedeng magsabi. Ang importante naalagaan at nandoon yung mga anak ninyo at hindi napapabayaan,” sagot naman ng senador sa separadang si Kris.

Sa kabila ng paghihiwalay nilang mag-asawa, sinabi naman ni Escudero na hindi pa nito isinasara ang pintuan nilang mag-asawa lalo pa’t mayroon silang kambal na anak na mag-aapat na taon pa lamang ngayong Oktubre.

Idinagdag pa nito na sa kabila ng paghihiwalay nilang mag-asawa, hindi naman nila sila nagkukulang sa pag-aalaga at pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang kambal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply