Brgy. Captain, 6 pa nalason sa pugita

NALASON ang barangay kapitan at anim na iba pa na pawing magkakapamilya sa kinaing pugita sa Maguindanao.

Isinugod sa Tamondong Hospital sa Isulan, Sultan Kudarat sina Barangay Chairman Mario Cadingilan, Barangay Kagawad Manuel Galim, Barangay Kagawad Joventino Cadingilan, Lovely Cadingilan, Victor Awid, Mary Jane Gadingilan, at Asma Cadingilan mga taga Barangay Tubal, Ampatuan, Maguindanao.

Nabatid na hinapunan ng mga biktima ang adobong pugita na nabili nila sa pamilihan sa Esperanza, Sultan Kudarat at niluto bilang ulam sa hapunan.

Makalipas lang ang ilang minute matapos kumain, nakaramdam na sila ng sakit ng tiyan ,pagsusuka at pagdudumi dahilan upang agad na isinugod sa pagamutan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply