Brgy. chairman may patung-patong na kaso

ISANG barangay chairman ang nahaharap sa patung-patong na kaso matapos ireklamo ng binatang nakamotorsiklo na nabangga nito sa Caloocan City, iniulat Lunes, Hunyo 27.

Kinasuhan ng Reckless Imprudence Resulting in slight Physical Injuries, Damage to Property at Violation of Section Rep. Act 4136 of LTO o Unregistered Motor Vehicle sa Caloocan City Prosecutor’s Office si Sonny de Luna y Castillo, 29, residente ng 286 P. Gomez St. ,10th Ave. at chairman ng Brgy. 67, Caloocan City.

Patuloy namang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC), Caloocan City sanhi ng mga tinamong sugat at pasa sa katawan ang biktimang si Joy Manuel Javier, 22, overseas Filipino worker (OFW) at residente ng No. 369-A P. Sevilla, 10th Avenue ng nasbaing lungsod.

Base ulat, dakong 5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng isang bahay sa naturang lugar, habang lulan ang biktima ng XRM-Honda motorcycle (XI-4705) nang mabangga ito ng suspek habang minamaneho ang Toyota RAV-4 (XHZ-521).

Binabaybay ng biktima ang naturang lugar pauwi sa kanilang bahay ng bigla na lamang itong masagi ng suspek na naging dahilan upang sumemplang ito. Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa ilang nakakita sa pangyayari upang madala sa naturang pagamutan.

Hindi na nakatakas ang suspek matapos na mabilis na rumesponde ang mga awtoridad. Dinala ang suspek sa himpilan ng Caloocan police at dito nadiskubreng hindi nakarehistro sa LTO ang sasakyan nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply