Brillantes dapat usigin sa Maguindanao Massacre

DAPAT lang na bulabugin ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre si Comelec Chairman Atty. Sixto Brillantes sa pamamagitan ng personal na pagdulog ng mga ito sa makapangyarihang Commission on Appointments para tutulan ang pagkakatalaga sa nasabing chairman.

Si Brillantes ay alam ng buong mundo na naging election lawyer ng pamilyang Ampatuan, si Andal Ampatuan Sr. noong 2001 para governor ng Maguindanao hanggang kay Zaldy Ampatuan noong 2008 ARMM election para gobernador.

Ibinulalas nina Myrna Reblando, biyuda ni Manila Bulletin correspondent Bong Reblando, Edtha Tiamzon, may bahay ni UNTV member Daniel Tiamzon, Noemi Parcon, asawa ni Pronterra News Publisher Joel Parcon at Reynafe Castillo ang kanilang pagkadismaya kay Pangulong Noynoy Aquino sa pag-appoint nito kay Brillantes.

Ayon kay Gng. Reblando, pakiramdam nila ay natraydor sila ni Aquino na mas masakit para sa kanya dahil personal pa niyang inindorso ang presidential bid nito at malaking dagok sa paghahanap nila ng hustisya sa pinaslang nilang kamag-anak ang paghirang kay Brillantes sa pinakamataas na posisyon sa COMELEC.

Panahon na upang ipahayag ni Gng. Reblando na si Brillantes ay naging matagal na kakampi ng mga Ampatuan sa pagpapalakas ng kanilang imperyo sa buong ARRM.

Dahil dito masasabi na si Brillantes ay hindi maaring maghugas-kamay sa kanyang responsibilidad bilang abogado ng pamilyang sinasabing pumaslang sa 57 katao kabilang ang may 32 mediamen ngunit pinili ni Pangulong Noynoy bilang chairman ng COMELEC.

Sa paghahabol sa hustisya, dapat malinaw kina Gng. Reblando na hindi dapat maupo sa kapangyarihan ang mga katulad ni Brillantes na bayarang abogado kahit ng mga tumatayong warlord ang mga kliyente nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply