Bryan Revilla, Gretchen Fullido…nagkabalikan

ILANG eksena rin sa ika-25th renewal of wedding vows nina senador Bong Revilla at Cong. Lani Mercado sa Sofitel ay ang pagbabalikan  ng dating magdyowa na sina Bryan Revilla at Kapamilya anchorwoman Gretchen Fullido.

Nakita namin kung gaano kasaya ang dalawa. Nagtatawanan habang sinasamyo ang bango ng red wine. Sa tingin namin, mukhang  back-in-each other’s arms again ang drama ng dalawa.

Ilan lamang sa mga bisitang nagpa-iwan sa party na yon ay sina Bryan nga at Gretchen, unmindful sa presence ng mga press people, at parang sinasabi ng dalawa, “Care ko?”.

Which is tamang vibes nga naman dahil sino ba naman ang mga matang naroroon para makialam kung ano nga ba ang kanilang ipinagdiriwang? Kung sila nga ba’y masaya dahil friends sila ulit, or may saya sa kanilang mga mata dahil nalaman nilang sila’y para sa isa’t isa.

Ang napansin lang namin sa ilang naging GF ni Bryan, mahilig ang anak na ito nina Bong at Lani sa may malulusog na dibdib.

Remember, Maui Taylor?

***

NAKATANGGAP kami ng email from Ave Ramil of Aredconsult Mastermind, with email add< successmastermind@yahoo.com> at touch naman kami at kahit pang-entertainment ang espasyo nami’y naglalambing pa silang i-feature ang kababayan nating si Erik Spoelstra, na dapat lang naman dahil maipagmamalaki nating siya ang only Fil-Am na naging coach sa NBA.

Sa Miami Heat nagko-coach ang ating kababayan at nag-umpisa na ang Best-of-7 games nila laban sa Dallas Mavericks kanina, Miyerkules (petsa sa Pilipinas).

Narito ang kabuuan ng message ni Ave Ramel:

Hi Ador,

Erik Spoelstra is the first Fil-Am Coach in the NBA, specifically, Miami Heat.

NBA Finals Game 1 of Miami Heat vs. Dallas Mavericks is on Tuesday (Wednesday in Pinas).

You can read what our kababayans are excited about in the biggest Erik Spoelstra Fan Page on Facebook.

http://www.facebook.com/erikspoelstra

Cheers,

Ave Ramel

***

NARIRITO lang pala sa tabi-tabi si Janelle Jamer, ang dating co-host ni Willie R. sa “Wowowee” at pansamantalang sumalang noon sa “Pilipinas Win na Win.” Initsapuwera muna ni Janelle ang kaniyang hosting career at nagko-concentrate sa kaniyang singing. Mayroon na siyang album titled “Believer,” at ito rin ang title ng darating niyang concert sa Teatro Filipino-Greenhills on June 3 at 10.

Zero na raw ang lovelife niya since naghiwalay na sila ni Jordan Herera, ang aktor na dating sumikat sa komersiyal na, “Wala ba kayong mga kamay?.”

May mga anak si Jordan sa dati niyang ka-live-in at ito marahil ang siyang nagiging balakid sa kanilang pagsasama.

At least, pinili ni Janelle ang career over lovelife. Andami pa niyang magagawa sa showbiz, umarte, mag-host at kumanta at hindi lang basta maiinlab sa isang gaya ni Jordan na hindi naman siya kayang pakasalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply