Budget cut, ibinabala ng oposisyon

NAGBABALA ang oposisyon na nahaharap sa malaking kabawasan sa 2012 budget ang administrasyong Aquino kapag nagpatuloy ang pagtitipid ng pamahalaan, ayon na rin sa pangamba ni Isabela Rep. Rodolfo Albano.

Kinuwestyon din ni Albano ang paghingi ng malaking pondo ng administrasyon gayung titipirin din ito at hindi magugugol sa iba’t ibang proyekto para sa taong kasalukuyan.

“Why would these departments and agencies ask for huge budgets when they cannot actually spend these during the entire year?”

Duda ni Albano na walang malinaw na patakaran ang administrasyon ni PNoy sa pagpapatupad ng mga programa partikular ang ukol sa imprastraktura.

Inihayag ni Albano ang pangamba matapos iulat ng  Department of Budget and Management (DBM)na mula Enero hanggang Abril ng taong ito ay mas mababa o mabagal ng 20 porciento ang pagpapatupad sa mga proyekto at paggugol.

“According to the DBM report, the administration failed to spend P100 billion of the programmed P561.36 billion, or 17.8 percent. The DBM likewise reported the administration posted the highest ever one-month surplus in 25 years – P26.3 billion in April.”

Dahil dito, nagbanta si Albano na kaniyang kukuwestyunin ang “under-spending practice” ng administrasyon sa deliberasyon ng 2012 proposed budget.

Giit pa ni Albano na hindi maaaring magpatuloy ang pagpapaniwala sa taumbayan na makabubuti sa bansa ang pagtitipid.

“The figure may look good on paper, but what economic value does it have when no infrastructure is being built – no road, no bridge, no port, no highway – that could generate jobs and stimulate economic activity.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply