Buhawi sumalakay sa QC, ilang bahay natangay

TINANGAY ng isang mild tornado ang ilang parte ng Quezon City na nagresulta sa pagkasira ng bubong ng ilang kabahayan at pagbuwal ng puno at poste ng elektrisidad, kahapon

Sinabi ng Quezon City government’s Department of Public Order and Safety (DPOS) na ang mga bubungan ng mga bahay ay nagkalat sa mga residential area malapit sa kanto ng Judge Damian Jimenez St. at Eulogio Rodriguez Sr. Ave. kasunod ng pagdaan ng isang tornado, o “buhawi.”

Ayon kay Bobby Cordero ng DPOS radio room, habang nagdulot ang tornado ng pagkasira ng mga kabahayan, wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.

“Hindi naman naapektuhan ang traffic sa area,” pahayag ni Cordero.

Ilan din aniyang parte sa Tomas Morato, Kamias, Balete Drive at halos kabuuan ng Barangay Piñahan ay nakaranas din ng epekto ng buhawi.

“Ang akala ng lahat ay tumama na ang bagyong Falcon sa Metro Manila kaya ang ulan ay may kasamang malakas na hangin na umiikot pa ang direksyon ng pagbuga,” saad pa ni Cordero.

Ang pagsalakay ng buhawi ang pinakahuling serye ng kalamidad na sanhi ng Tropical Storm Falcon (Meari) kasunod ng mataas na pagbaha at massive traffic jams noong Huwebes ng gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply