Bulacan massacre suspect sumuko sa NBI

KUSANG sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 27-anyos na lalaki na nasa likod ng karumal-dumal na pagmasaker sa isang pamilya sa Marilao, Bulacan noong Biyernes ng gabi, Hunyo 10.

Ayon kay Atty. Romulo Asis, chief ng NBI-Death Investigation Division (DID), personal na nagtungo ang isang Samuel Garin ng Barangay Lambakin, Marilao sa tanggapan ng ahensya upang sumuko dahil hindi umano siya pinatatahimik ng kanyang konsensya.

Kamakailan lamang ay napaulat ang pagpatay sa isang pamilya, kabilang sina Joselito Dilla, 45, at ka-live in nitong si Carina. Malubhang nasugatan sa insidente ang anak ng dalawang nasawi na si Jovielyn na inoobserbahan pa ngayon sa Ospital ng Maynila.

Pinatunayan din ng suspek na siya nga ang gumawa ng krimen nang magpasama ito sa mga ahente ng NBI sa lugar upang ituro kung saan ibinaon ang kutsilyong ginamit nito sa pananaksak sa mga bitktima.

Base sa ulat ni Marilao Police director Supt. Ceasar Tannagan, lumalabas na nangyari ang masaker noong Miyerkules ng gabi sa bahay ng mga biktima sa Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan.

Nakikipag-inuman umano si Dilla kay Garin na pinaniniwalaang nagtanim ng sama ng loob makaraang paalisin sa bahay ng mga biktima dahil na rin sa paggamit nito ng bawal na gamot nang bigla itong atakihin ni Garin at pagsasasaksakin.

Ayon naman sa kapitbahay ng mga bitkima na si Bernadette Acosta, nakarinig umano siya ng komosyon sa bahay ng mga biktima at may narinig pa siyang sigaw na “Kuya, Kuya,” “Wag po,” at “Papa… papa!”

Sinabi pa nito na tinangka pang gahasain ng suspek si Jovielyn.

Nakita rin niya si Garin na walang saplot ang kalahati ng katawan at nagmamadaling lumabas sa bahay dala ang kutsilyong puno ng dugo.

Sasampahan ng NBI ng kasong double murder at frustrated murder ang suspek na nakadetine ngayon sa NBI jail.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply