Bulkang Taal kumalma

PANSAMANTALANG kumalma ang bulkang Taal matapos makapagtala ng 2 volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kanina.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa 2 pagyanig ay patuloy na nakataas sa alert level 2 ang bulkang Taal dahil na rin sa patuloy na mataas na emission rate ng carbon dioxide ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko bawal ang paglapit malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog at mataas na konsentrasyon ng toxic gases nito.

Ang bulkang Taal ay itinuturing na active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply