Bulkang Taal, maligalig pa rin

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 22 pagyanig bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na magdamag.

Nabatid na dalawa sa naturang mga pagyanig ay nasa intensity 2 kung saan naramdaman ng mga residente sa Calauit, Tuoran at Bignay na nasa silangang bahagi ng bulkan.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, hudyat lamang ito na hindi pa humuhupa ang abnormal na aktibidad ng naturang bulkan kaya’t nanatili sa alert level 2 ang nakataas na alarma.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply