Bulkang Taal nasa alert level 2 pa rin

NAKATAAS pa rin sa alert level 2 ang Bulkang Taal matapos na pansamantalang kumalma ito at makapagtala lamang ng isang (1) volcanic earthquake sa paligid nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) patuloy na mataas ang emission rate ng carbon dioxide ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng tao malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta pa rin ng pagsabog nito at dahil sa mataas na konsentrasyon ng toxic gases ng bulkan.

Nananatili pa rin na nasa Permanent Danger Zone ang Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit dito.

Ang Bulkang Taal ay itinuturing na isang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply