Bulok ang mga teleserye ng Kapuso

ISANG insider ng Kapuso Network ang nakatsikahan namin lately at mismong ito ang nagsabi at umamin sa aming bulok na bulok ang mga teleserye ng GMA-7. Meaning, kumbaga sa palengke, nilalangaw ang kanilang mga panindang teleserye!

Mabuti pa nga raw ang panindang teleserye ng TV5 Kapatid Network na kahit dadalawa lang ay humahabol sa ratings ng Kapamilya Network na laging nangunguna huh! Hay, naku, sabi pa ng isang fan, fantaserye channel na raw ang GMA Kapuso.

Kung kelan naman daw kahit papano ay mga kilalang artista ang bida ay saka naman nilalangaw ang kanilang serye.

Hindi naman kaya nagkataon lang ito o sadyang mahihina lang ang mga scripwriters ng GMA Kapuso kumpara mo sa ABS-CBN Kapamilya?

Maraming dahilan kung bakit napapanis ang isang palabas at marami rin dapat ang taong sisihin ninyo kung bakit hindi nagri-rate ang shows ninyo noh?

Mismong insider nga ninyo eh puro teleserye ng ABS-CBN ang pinapanood, ‘noh?

***

ISANG blind item ang umusbong kamakailan patungkol sa isang lalaking nagkukunwaring lalaki (dahil ang tsismis ay bading daw itong si guy kuno).

Nakahanda raw itong magbigay ng kanyang panig kung ano ginawa sa kanya ng isang malaking bading na involved sa isang higanteng network. Nagsalita pa raw itong lalaki (kuno) na walang kiyeme nitong sasabihin at aaminin in public ang totoong nangyari sa kanila ng bading at papangalanan niya raw ito ng walang kaabog-abog!

Hey! are you okey? Look at yourself nga muna kung kapani-paniwala ka the moment na magbigkas ka ng pangalan ng sinasabi mong bading? Bago mo gawin yan, please lang, tingnan mo ang kunsensiya mo kung tama ba ang ginawa mo at gagawin mo pang hakbang.

Isipin mo muna na baka ang ending ay imbes na na sa iyo ang simpatiya ay ikaw pa ang pagtatawanan! Dalawang bagay lang yan eh, either may nambubuyo sa iyo at ano ba ang intensiyon mo, after all? Ginusto mo rin naman noh? Kalowka kah!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply