Bumabaha, ipinapampaligong CCT at NFA rice nasaan?

O NASAAN na ang bumabahang salapi sa Conditional Cash Transfer program at pinampapaligo na bigas sa National Food Authority?

Bakit umaabot sa kalangitan ang iyak sa gutom at hirap ng mga biktima ng ulan, bagyo at baha sa Autonomous Region in Muslim Mindanao?

Nakalulungkot isiping nagaganap ang lahat ng ito sa ARMM sa kabila ng pagmamalaki ng gobyernong Aquino na sa pamamagitan ng P21 bilyong CCT at nag-uumapaw na suplay ng bigas-NFA, nasasagot na ang kagutuman at paghihirap ng mamamayan.

Nakalulungkot ding isipin na mas mabilis pang maghatid ng magandang balita sa mga biktima ang mga pribadong indibiduwal, kompanya at politiko kaysa ang gobyerno na may hawak ng pinakamakapangyarihang puwersa para sumagot sa kagutuman at kahirapan.

oOo

Umaabot sa 500,000 katao, Suki, ang kumakalam ang sikmura at nasa 100,000 ang nasa mga evacuation center.

Bukod sa gutom ng mga biktima, wala na ring mapaglagyang evacuation center ang marami.

Nagsimula na ring magkasakit ang mga residente sa labis na kakulangan ng pagkain, gamot, sinardinas na kalagayan at iba pa.

Ang isang masakit, matagal bago makaahon sa gutom at hirap ang mga biktima dahil sinira ng ulan, bagyo at baha ang kanilang kabuhayan.

Tanging ang pamahalaan ang inaasahan sa ganito kagrabeng kalagayan.

Ano-ano na nga ba ang ginagawa nito upang tiyakin ang pagkakapawi ng gutom at hirap sa ngayon at mabigyan ng pag-asa sa kinabukasan ang mga biktima?

Tiyak namang hindi masasagot ng tatlong lata ng sardinas, isang kilong NFA rice, tatlong sachet ng mami at isang kalderong lugaw ang problema ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply