Buntisan nang buntisan sa showbiz

DAMI ng buntis sa showbiz ngayon.

Hindi na namin sila iisa-isahin dahil maraming beses nang nasulat ang tungkol sa kanila. Pwera pa yung mga blind items alluding na sina ganyan at ganito ay buntis din. In some upcoming issues, we will divulge kung sino sa mga young stars natin ang buntis sa mga panahong ito.

Anyway, isa sa mga buntis ay si Angelu De Leon care of ng dyowang pinakasalang si Wowie Rivera. Although, buntis, kasali si Angelu sa isang haponserye at ang maganda, dahil mataas daw ang rating ng naturang serye, itinuturing na lucky charm ang kanyang pinagbubuntis.

This is their first child together, pero may dalawang anak si Angelu sa mga naunang lovers niya. Nicole, her first born who’s now 13, was sired by actor Joko Diaz while the second one, Louise, 10, was fathered by businessman Jojo Manlongat.

Di kaya makasama ang trabaho sa kabutisan niya?

“Siyempre, itutuloy ko pa rin ang trabaho ko,” sabi pa niya. “Bago pa lang naman ang pagbubuntis ko. If ‘Sisid’ would run for four months as projected, tamang-tama, by that time, baka doon pa lang mahahalata ang tiyan ko. Pero siguro, hindi na muna ako gagawa ng physical scenes sa taping. Tama na muna ‘yung mga sapakan namin nina Alicia Meyer at Maricar de Mesa na siyang mga kontrabida sa amin ni Jackie in the story. The conflict between us gets more intense this week.”

So there!

@@@

May TT si Vangie Labalan

A FEW years ago, nahuthutan ng halos milyon si Vangie ng isang ka-business deal. Isang pinagkakatiwalaang empleyado ang nagtakbo ng investment niya at noon halos manangis si Vangie dahil sa nangyari.

The next time we saw her, she has finally moved on at tila kinita na naman niya yung milyon na nahuthot sa kanya.

Pero heto, may bago ngang tsismis na milyones din daw ang involved tungkol nga sa diumano’y panghuhuthot ng isang DI na batambata sa kanya.

Sinagot na nga ito ni Vangie Labalan.

What else is new, super-deny si Ms. Vangie nang magsalita tungkol sa intrigang nahuhumaling siya sa kanyang BF na panay daw ang panghuhuthot sa kanya. May tsika pa na sa DI na ito raw inuubos ni Ms. Vangie ang lifetime savings.

Ayon pa sa mga balitang lumabas, grabe raw magregalo ang aktres sa kanyang young papa. Ilan lang daw sa nairegalo nito sa bagets ay mamahaling sasakyan, alahas, damit, plus may allowance pa na big cash buwan-buwan.

“It’s not true! Wala akong young papa, baka ang sinasabi nila ay si Starsky, ’yung TT ko  (Teacher in Tango). Hahaha! Hindi na bata ’yun, mukha at napagkakamalang bata lang,” tili ni Ms. Vangie.

“Never akong na in-love sa mas bata sa akin at never kong uubusin ang inipon at pinagh`irapan kong pera sa lalaki, noh! At higit sa lahat, hindi ako namimigay ng kotse, alahas at kung ano ano pa. Baka namimis-interpret lang nila ’yung closeness namin ni Starsky, pero hindi naging kami,” hirit pa ng aktres.

Katwiran ni Ms. Vangie, masyado siyang busy sa trabaho bilang artista, acting coach ng mga baguhang artista at sa iba pang karaketan, kaya wala siyang time makipagrelasyon, lalo na sa bata.

Dagdag pa niya, nakatakda siyang pumunta ng Australia dahil mayroon siyang imbitasyon mula sa Pinoy community doon na magturo ng acting sa kapwa-Pinoy.

***

Heart Evangelista pakakasalan na ni Daniel Matsunaga

SUBO na kapuwa sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga sa isa’t isa. Di na raw mapipigilan si Heart kahit ng kahit sino pa. Sa ngayon, she’s just waiting daw for a marriage proposal from Daniel at anumang oras, bibigay na siya.

Anuman daw ang mangyari, nakahanda na si Daniel Matsunaga na si Heart Evangelista na’ng babaing kanyang ihaharap sa altar. Bale si Heart ang kauna-unahang Pinay lover niya pero sa apat ngang nagdaan sa buhay niya, sure na siya na talagang si Heart ang kasasamahin niya habambuhay.

Nope, wala pa silang balak magpakasal ngayon, marami pa raw dapat ayusin, una na yung kailangang magpayaman muna sila para makasigurong di sila magiging pobre pagdating ng araw. Daniel wants to offer a very comfortable life to Heart at si Heart ang tanging dahilan kung bakit nagtatrabaho siya ngayon.

“I am now sure that Heart is going to be my wife. I love her very much and nothing can separate us now. I will marry her when the right time comes,” sabi pa nito in fractured English.

So far, in love din si Heart kay Daniel. In several interviews, sigurado na rin si Heart na wala ng ibang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Kay Daniel na niya inaalay ang buong buhay niya at walang iba pa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply