Bus nasunog sa ‘killer highway’

NAGDULOT ng tensyon sa mga pasahero nang mapag-alaman nilang nasusunog ang bus na sinasakyan nila habang ito’y bumibiyahe sa Commonwealth Ave., Quezon City Miyerkules ng umaga.

Ayon sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic aide, sinenyasan niya ang driver ng bus makaraang mamataan niya na nasusunog ang ilalim na bahagi ng sasakyan.

“Napansin ko umaapoy kaya ko sinenyasan ko ang driver na tumabi… nakita ko umaapoy ang ilalim,” ayon sa traffic aide sa isang panayam sa dzBB.

Agad na ipinag-utos ng driver at ng konduktor na magsibaba ang mga pasahero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply