Bus, taxi nagbanggaan, 3 sugatan

MATINDING sugat ang tinamo ng tatlong katao makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang taxi sa isang pampasaherong bus sa Regalado Avenue, Quezon City Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo Ordenesa, 35, driver ng EMP taxi; at mga pasaherong sina Brigette Atilado, 28; at Sunshine Dolores, 23; pawang ng Maligaya Park Subdivision, Novaliches.

Nawasak din ang bahagi ng Hyundai passenger bus (PXD-973) na minamaneho ng isang Florentino Gamora.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Anthony Jasper Aloro, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Regalado Avenue corner Mindanao Extension alas-4 ng madaling-araw.

Sinasabing galing sa Doña Mariano Marcos ang taxi ni Odenesa sakay ang dalawa, habang ang bus naman ay galing Commonwealth Avenue kung saan kapwa patungo ang dalawa sa SM Fairview nang pagsapit sa nasabing lugar ay mabundol ng una ang huli.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay nagpa-ikot ikot ang taxi bago rumampa sa kalye na nagresulta sa pagkakasugat ng mga biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply