Butuan Bishop, semplang kay Senator Drilon

SINUMAN ang mahusay na nanahimik habang naghuhumiyaw ang taumbayan sa galit hinggil sa malawakang katiwalain sa ilalim ng Arroyo administration ang siyang pinakahuling taong may kredibilidad na mambatikos kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ganito ang resbak ni Sen. Franklin Drilon kay Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos, kilalang supporter ng Arroyo administration, na naunang nagsabi na dapat nang magbitiw si Pangulong Aquino sa harap nang akusasyon na itinatalaga sa pamahalaan ang mga kaibigan at kaalyado nito.

“Being an avid supporter of former president, Gloria Macapagal Arroyo, Bishop Pueblos is the least credible person to ask for President Aquino’s resignation over unfounded allegations of cronyism,” ayon kay Drilon, opisyal ng Liberal Party (LP).

“Where was Bishop Pueblos when President Arroyo appointed her manicurist and her gardener to important positions in government?” ani Drilon

Sinabi ni Drilon na mas makasalanan ang dating pangulo kaysa kay Pangulong Aquino sa pagtatalaga ng kanyang kaibigan at kroni sa pangunahing posisyon sa gobyerno.

“Nasaan si Bishop Pueblos nang batikusin ng Catholic church si Pangulong Arroyo sa kanyang paglulustay nang gumastos ito ng isang milyon nang kumain siya at kasamahang kroni sa isang mamahaling restoran sa New York noong 2009 US trip,” ayon kay Drilon.

Tinutukoy ni Drilon ang pag-aalburuto ng publiko matapos mailathala sa New York Post ang pagkain ni Pangulong Aquino at kanyang entourage na lumustay ng US$20,000 sa isang hapunan sa isang French restaurant, ang Le Cirque, sa New York.

Nangyari ang paglulustay sa harap ng dumadaming nagugutom na Filipino na lubhang nasalanta ng krisis pinansiyal nitong 2009.

“Masyadong nakakagulat ang pinagsasabi ni Bishop Pueblos na manawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino na walang ibang ginagawa kundi makapagsagawa ng pagbabago sa gobyerno.”

Idinagdag ni Drilon na kung intensiyon ni Pueblos na ipatigil ang pagbabago sa gobyerno na isinusulong ng Pangulo, dapat magbitiw siya bilang bishop ng Butuan at sumali sa hanay ng pro-Arroyo opposition sa Mababang Kapulungan.

Magugunitang nagbitiw ng salita si Pueblos na dapat magbitiw si Pangulong Aquino sa paratang ng oposisyon sa Kamara na nagkakaroon ng cronyism sa administrasyon.

“He is not interested to be President. I can see that. He does not plan, does not study, does not make his own decision, and just lets his friends [make] it. Poor Philippines,” ayon kay Pueblos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply