Buwayang BIR sa Mindoro isinusuka ng mga taxpayer

ANG mga abusado mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Mindoro na mas masahol pa raw sa mga buwaya sa farm ng Palawan ang ating uupakan ngayon.

Wala raw ginawa ang mga ito kundi ang manghingi ng ‘tongpats’ at ‘mangurakot’ sa mga trabaho nila.

Ang mga tinutukoy na mga ‘buwayang’ taga-BIR ay pinangungunahan daw ng mga matataas na Regional District Officer na sina alyas Buddy at Jami at dalawang examiner na sina alyas Tigre at Barcy.

Kung totoo man ang mga bintang sa mga ito ay dapat lamang na gumawa ng aksyon si BIR Comm. Kim Henares para masugpo ang mga katiwalian sa BIR.

Basahin natin ang nilala-man ng text message ng ating text-tipster.
Dear Mr. Juan de Sabog ng Remate:

Magandang hapon po sa inyo.

Sir, ako ay masugid ninyong tagasubaybay sa column niyo sa Remate, ang no. 1 sa buong Pilipinas.

Gusto kong humingi ng tulong para maiparating ninyo sa kinauukulan ang mga abusadong Buwayang BIR dito sa Mindoro.

Ang akala namin sa Palawan lang may crocodile farm pero mas masahol pa po ang BIR dito.

Sir, puro tongpats o pangungurakot ang ginagawa rito ng mga swapang na pinamumunuan  ng hepe nila na si alyas Buddy at Jami sa RDO, kasama ang mga examiner na sina Tigre at Barcy  Masahol pa po sa hayop na gutom ang mga ito.

Sobrang nakalulungkot isipin na ang dami nang reklamo sa mga kabuwayahang ginagawa ng mga BIR dito.

Wala man  lang aksyon si Comm. Kim Henares.

Kaya nakapag-iisip din na baka totoo ang pinagyayabang nila na may basbas ni Comm. Henares sa kanilang pang-aabuso at kasama rin daw ito sa partehan. Pati mga taga-Region ay may bahagi rin. (Itutuloy)

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply