CAFGU, NPA patay sa bakbakan

PATAY ang isang CAFGU at isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) nang magkasagupa ang dalawang panig sa boundary ng Guinobatan at Pioduran sa Albay, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Cafgu member Roberto Oliquino at ang rebeldeng si Jose Acabado, ng Sitio Danano sa Barangay Onggo, Guinobatan.

Sugatan naman ang isa pang Cafgu na si Guilbert Medallada.

Ayon kay 9th Infantry Division spokesman, Major Angelo Guzman, alas-10:00 ng umaga nang magpang-abot ang tropa ng pamahalaan at 20 rebelde sa naturang lugar.

Nagsasagawa ng combat patrol operations ang tropa ng pamahalaan sa lugar nang makasagupa ang mga rebelde.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan hanggang tumakas ang ibang rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply