Caluag, Marfil at Juico dahilan ng paglubog ni PNoy

PILIT pinagbubuti ni PNoy ang kanyang pagiging Pangulo kung kaya’t kayod kalabaw ngayon ito sa Palasyo.

He He He! Ang “rating” malapit nang maging “degrading.”

Pero base sa bulong ng ating uzi…Kahit anong sipag ay wala ring mangyayari dahil kaaway ang hanap ng mga tauhan ni PNoy.

Isa-isahin natin…

MARGIE JUICO

Chairwoman ng PCSO

Sa halip na tulungan ang lahat ng nangangailangan sa PCSO ay mas inuna pa nito na sisihin nang sisihin ang nakaraang administrasyon.

Hayan! Nagkandamatay tuloy ang mga pasyente ng PCSO.

Sino ang dapat sisihin?

Hayun! Si PNoy ang pumatay!

REY MARFIL

Ang assistant secretary for Media Affairs.

Ano ang inatupag? Ang mag-recruit ng mga bigtime na Chinese na gustong magpalitrato kay PNoy.

PARA? KUMITA?

Hayun! Namigay raw sa photog ng Malacañang pero barya na lang ang nakarating sa mga pobre.

Sa madaling salita bukol ang mga nagtrabaho.

Kanino na naman magagalit ang mga tao?

Ehem! Ehem! Ehem! Siyempre kay PNoy na naman!

RENATO CALUAG

General Manager ng NBN-Channel 4.

Sa halip na gawan ng paraan ang palubog na kompanya ng NBN-4 ay para bang linta pa ito na sumususo sa natitirang pondo ng KUWATRO.

Sabi nga ni Kalbo “Calupit” na raw, ‘di na Caluag ang magandang itawag dito.

Wala na ngang pera para sa operation ang NBN 4, nakuha pa nitong bumili ng headset na nagkakahalaga ng  P20,000.

Take note… Pansariling gamit yan ha, hindi sa operation. Hayop! Ang lupit mo, Bro!

P120,000 kada buwan ang suweldo nitong si Calupit at sa kabila ng pagdurugo ng NBN-4, kumuha pa ng 4 na  bagong tauhan ang kanyang tanggapan.

Sey mo… “Magdalo” pa ang kinuha nito!

Aba’y Gago! Sa giyera ba ang punta mo?

Adik ka ba? Mahilig ka sa trippings.

Nagkakagulo na raw ang mga tauhan mo dahil walang makain ang pamilya pero ikaw nasa opisina ka lang at kumukuyakoy pa sa sound trip.

Meron ka ba r’yan?

Ma-O.D. ka sana!

TATLONG ITLOG

Sa lahat ng may reklamo sa tatlong itlog, maaari n’yo pong iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 ng hapon, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply