Cam Sur nilindol ng magnitude 3.7

NIYANIG ng magnitude 3.7 na lindol ang Camarines Sur sa Bicol Lunes ng umaga, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng naturang lindol at ang epicenter nito ay naitala sa may 20 kilometro ng Timog Kanluran ng Ragay Camarines Sur dakong 9:51 ng umaga.

Sinabi ng Phivolcs ang pagyanig ay naramdaman sa lakas na Intensity II sa Guinayangan Quezon province.

Gayunman, wala namang naitalang napinsala at aftershocks sa naturang lindol.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply