Campaign expenses ipinabubusisi pa sa Comelec

NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na masuring mabuti ang campaign expenses ng mga kandidato sa panahon ng halalan.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng Comelec ang pagbuo ng departamento na susuri sa campaign expenses ng mga kandidato sa tuwing eleksiyon.

Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim na dahil sa dami ng trabaho ng komisyon ay hindi na nila masuring mabuti ang campaign spending and contributions na tinatanggap ng mga kandidato.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga nanalo at natalong kandidato ay obligadong magsumite ng campaign spending and contributions statement sa Comelec upang matukoy kung lumabag o nakasunod sila sa itinakdang limitasyon sa paggastos sa pangangampanya.

Inamin ng poll body na dahil sa kakapusan ng mga tauhan at  expertise ay bigo silang masuring mabuti ang mga nasabing campaign statement ng mga kandidato.

Sa kasalukuyan aniya, ang law department ng poll body ang naatasan na tumanggap at mag-screen sa campaign statement ng mga kandidato.

Gayunman, dahil sa dami rin aniya ng trabaho ng law department na may kaugnayan sa mga election protest na inihahain ay hindi ito matutukan ng husto.

“The capability of the Comelec is limited to determining whether candidates have filed their statements of contributions and expenditures. We want to expand in order to authenticate the contents of their statements,” ayon kay Lim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply