Car smuggler kinasuhan na sa DOJ

IPINAGHARAP na ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang car smuggler na si Lynard Allan Bigcas kaugnay ng umano’y pagpupuslit sa bansa ng 29 na mamahaling sasakyan nang walang pahintulot ng mga awtoridad.

Kabilang sa umano’y iligal na ipinasok sa merkado ng bansa ay ang American Chopper Big Bike na pag-aari ng Holywood writer na si Skip Woods.

Bukod kayBigcas, kasama rin sa kinasuhan ng smuggling ng Bureau of Customs (BOC) sa DOJ sina Noeh Alcala, Gilbert Omolon, Luke Alcala, Lyann Bigcas at Joshua Bigcas, pawang mga residente ng Talakag, Bukidnon.

Maliban sa smuggling, ang mga respondent ay idinemanda rin ng falsification of public documents matapos na irehistro sa Land Transportation Office (LTO) ang nasabing luxury vehicles sa kanilang pangalan.

Sa complaint na isinampa ni Customs Commissioner Angelito Alvarez, naganap ang iligal na importasyon ni Bigcas noon pang 2009 at sa mga unang buwan ng 2010.

Nabatid na nakarehistro sa pangalan ni Noeh Alcala ang 2007 Dodge Charger, isang Honda motorcycle. Samantala, kay Omolon nakarehistro ang 2007 Dodge Magnum  at 2008 Suzuki motorbike

Kay Lyann Bigcas naman nakarehistro ang Honda motorcycle habang sa pangalan ni Joshua Bigcas nakarehistro ang isang Bog Dog Chopper at isang Suzuki motorcycle.

Hindi pa matukoy ng Customs ang eksaktong halaga ng inihaing smuggling case laban sa mga naturang respondent.

Nabatid rin kay Alvarez na idedemanda rin nila ang mga opisyal ng LTO na nakipagkutsabahan upang maipangalan sa mga respondent ang mga inismagel na behikulo.

Sinabi rin ni Alvarez na hahabulin din nila sa korte ang mga smuggled vehicle na nasa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply