Carla Abellana kakasuhan ni Mother Lily

BALAK palang paghiwalayin muna ng projects sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann pagkataos ng “Magic Palayok.” Although, lagi pa naman silang nagkikita, dahil in real life, silang dalawa naman, medyo mababawasan ang bonding nila sa ngayon.

“We both enjoyed doing ‘Magic Palayok’ kasi halos five months din ito sa ere,” sabi ni Carla. “We’ll miss our co-stars including Tita Cherie Gil, Chynna Ortaleza, Manilyn Reynes, Janice de Belen and child star Angeli Nicole Sanoy.”

Nag-last taping day na sila at ngayon nasa ibang project na si Carla., ginagawa niya ang “My Neighbor’s Wife” at “Kingpin: The Asiong Salonga Story” where she co-stars with Laguna Gov. ER Ejercito in the title role, directed by Tikoy Aguiluz. She’s also included in the cast of the Studio 5-Regal co-production that’s an entry in the December filmfest, “Yesterday, Today and Tomorrow.”

“Nakakatuwa nga, kasi tuluy-tuloy ang trabaho ko, sa TV man o big screen.”

Idedemada raw siya ni Mother Lily dahil sa di pagpapalaam sa Regal Films na tinanggap niya’ng Asiong Salonga. Exclusive siya sa Regal Films kaya talagang may violation siya sa kanyang contract with the outfit.

“Naku, misunderstanding lang ‘yan na maaayos sa mabuting usapan.”

Kaya?

***

ISA si Direk  Joel Lamangan sa mga huradong bumasa’t pumili ng mga natatanging dulang pampelikula sa 2010 Carlos Palanca Awards for Literature. Dito niya nabasa ang script ng “Patikul” ni Kristoffer Brugada.

Labis siyang nagandahan sa script, ginusto niyang bilhin ito para ialok sa mga producer para iprodyus.

Nang magwagi ng first prize ang Patikul, ipinatawag ni Direk Joel si Kristoffer at nagkasundo silang mapunta kay Direk Joel ang rights ng nasabing script. Isinali niya ito sa Director’s Showcase ng 2011 Cinemalaya Independent Film Festival. Pinalad itong mapiling isa sa limang finalists. Ngayon, isa na itong ganap na pelikula.

Ang problema sa “literacy” sa Patikul, Sulu ang focus ng pelikula. Para kay Direk Joel, isa ang Patikul sa mga importante niyang proyektong hindi gagawin ng mainstream producers, kaya natuwa siya nang mapabilang ito sa prestihiyong independent film festival.

Ayon kay Direk Joel, totoong nangyari ang mapapanood sa pelikula kung saan ay pinungan ng ulo ang isang school principal na ginampanan ni Marvin Agustin.

“Ito ay base sa true account ng nangyari kay Gabriel Canizares, principal ng Kan-ague Elementary School. Nang hindi makapagbigay ng ransom ang pamilya sa mga bandidong dumukot sa kanya, siya’y pinugutan,” kuwento ng premyadong direktor.

Ang Patikul ay handog ng Cinemalaya Foundation at XITI Productions sa pakikipagtulungan ng Sine Totoo Productions. Magkakaroon ito ng gala premiere sa Hulyo 16,  9 p.m. sa Cultural Center of the Philippines main theatre.

Bukod sa CCP, mapapanood din ang Patikul sa Greenbelt Theater sa mga sumusunod na petsa at oras: Hulyo 17, 6:15 p.m. sa CCP MKP Hall; Hulyo 18, 12:45 p.m. sa CCP Little Theatre; Hulyo 19, 9 p.m. sa Tanghalang Huseng Batute; Hulyo 20, 1:30 p.m. sa Greenbelt 3 Cinema 5; Hulyo 21 12:45 p.m. sa CCP MKP Hall; Hulyo 22, 9 p.m. sa Tanghalang Huseng Batute; Hulyo 23 sa CCP Main Theatre 3:30 p.m. at Greenbelt 3 Cinema 3, 9 p.m. at Hulyo 24 1:30 p.m. sa Greenbelt 3  Cinema 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply