Babae binistay ng bala ng carjacker, utas

PATAY ang isang babae nang bistayin ng bala ng isang carjacker sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Police Station 10 ng QCPD, kinilala ang biktima na si Marie Teresita Tiago, nagtamo ng tama ng bala sa pisngi at kanang balikat na agad na ikinamatay nito.

Sa ulat, ganap na 6 ng umaga nang mangyari ang insidente sa T. Gener St., corner Kamuning Road, Brgy. Kamuning, nasabing lungsod.

Bago nito, nakasakay ang biktima sa kanyang Hyundai Accent na maroon at walang plaka papunta sa Brahma Kumaris Meditation Center para sa kanyang session ng yoga nang harangin ng mga suspek.

Nang agawin ng suspek mula sa biktima ang sasakyan ay nanlaban umano ito sanhi para paputukan siya ng una bago nagsitakas kasama ang sasakyan ng biktima.

Patuloy naman sa pasisiyasat ang pulisya sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply