CBCP official pabor na idulog sa UN ang usapin sa Spratly

SANG-AYON ang isang Catholic bishop sa plano ng pamahalaan na idulog na sa United Nations (UN) ang namamagitang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa pag-aagawan ng mga ito sa pagma-may-ari sa Spratly Islands.

Ayon kay Palawan Bishop Pedro Arigo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, malaki ang maitutulong ng UN sa pagresolba sa naturang territorial conflict.

Iginiit pa nito na sa lalong madaling panahon ay dapat nang isumite ang diplomatic protest upang kaagad itong masolusyunan.

“As soon as possible they should file the protest in the apt UN panel that could rightfully resolve this matter,” ayon kay Arigo.

Una nang sinabi ng pamahalaan na maghahain ito ng diplomatic protest laban sa China sa UN kasunod nang “pakikialam” ng Chinese government sa Philippine waters nitong mga nakalipas na ilang linggo.

Naniniwala naman si Arigo na sa sandaling makaabot ang kaso sa UN, ay may malaking laban ang Pilipinas sa pinag-aagawang isla.

“Once the evidences are presented, I strongly believe that we have a strong fight and eventually it will be given to us by the UN,” ani Arigo, na ang tinutukoy ay ang ‘proximity’ ng Spratly Islands sa Pilipinas kumpara sa China.

Matatandaang umapela si Arigo sa mga bansang nag-aagawan sa Spratly na tigilan na ang “word war” at mapayapang pag-usapan ang isyu. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply