CCTV camera ikakasa vs lumalalang krimen sa QC

IKAKASA ng pulisya sa mga pangunahing lansangan ng Quezon City ang mga closed-circuit televison video (CCTV) camera para labanan ang lumalalang krimen partikular ang carjacking insident doon.

Sa pakikipag-koordinasyon kay QC Mayor Herbert Bautista, sinabi ni Quezon City Police District director Chief Supt. George Regis, na pumayag na itong lagyan ng CCTV camera upang ma-monitor nila ang araw-araw na sitwasyon sa mga kalsada sa lungsod.

“Sa pamamaraang ito, lalakas na ang aming puwersa laban sa crime syndciates na bihasa sa carjaking activities na tulad ng kaso nina Teresa Leano at Cheryl Sarmiento,” pahayag ni Regis.

Bagama’t natukoy ng QCPD ang mga suspect sa kaso ni Teano, ani Regis, ang mga suspek ay bahagi ng malaking grupo at nais nila na mahuli at maparuasahan ang mga ito.

“The suspects belong to a big group and we are hopeful that we can arrest and charge them soon,” dagdag pa nito.

Aminado naman ang QCPD na may kakulangan sila sa kapabilidad at tauhan para masugpo ang ganting krimen dahil ang kasalukuyang ratio ng police officers sa populasyon ng lungsod ay 1:964 habang ang ideal ratio ay 1:500.

Para naman may maipantapal sa kakulangan ng police manpower, nagbibigay ang city government sa QCPD ng mga karagdagang bagong patrol car at modern crime fighting equipment at facilities.

Samantala, sinabi ni Mayor Bautista na inaasahan niyang bababa ang carnapping cases sa Quezon City sa 2012 dahil hihigpitan na nila ang pagpapatupad ng reglamento sa pagkasa ng closed-circuit television cameras (CCTV) bago magbigay ng bagong business permits sa mga may-ari ng mga establisimyento sa lugnsod.

Binigyan lamang ni Bautista ang mga business establishments ng hanggang Disyembre 31 para magkasa ng CCTVs sa kanilang mga negosyo o harapin ang non-renewal ng kanilang business permits.

Ang reglamento sa pagkakabit ng CCTV camera ay ikinasa upang masawata ang krimen tulad ng carnapping sa high-risk establishments tulad ng car dealership stores, paaralan, convenience stores, gasoline stations at banko.

Inatasan na rin ni Mayor Bautista ang city’s business permit and licensing office (BPLO) na mahigpit na ipatupad ang implementasyon ng “no CCTV – no business permit policy” simula sa 2012.

Bukod pa rito, iniutos na rin nito ang pagsasagawa ng inspeksyon simula sa Agosto para malaman kung ang mga establisimyentong binigyan ng business permits ngayong 2011 ay sumusunod sa CCTV requirement.

Nauna naman rito, inatasan na rin ni Bautista ang may 142 barangays sa lungsod na magkabit rin ng kanilang sariling CCTV cameras sa kanilang lugar at gamitin ang kanilang calamity fund para dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply