Centralized bus terminals minamadali na

PUSPUSAN na ang ginagawang pagpaplano at pakikipagpulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga bus operator para mapabilis ang konstruksyon ng mga Centralized Bus Terminal upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa kalunsuran.

Ang mga terminal ay nakaayos na parang mga airport terminal na may mga oras ng pag-alis at pagdating ng mga biyahe.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, may mga istasyon din ng pulis at security personnel na nasa isang lugar lamang, upang magbigay seguridad sa mga pasahero.

Makatutulong din ng malaki ang terminal sa LTFRB, sa pag-monitor sa mga biyahe ng bus kung nasusunod ang ruta ng mga ito, kung overloaded ang mga bus, at mababawasan na ang mga kolorum.

Itatayo ang centralized terminal ng mga biyaheng norte sa may Balintawak, samantalang ang south-bound ay sa Baclaran.

Hindi naman malinaw kung paano paghihiwalayin sa mga nabanggit na terminal ang operasyon ng mga bus na bumibyahe sa Metro Manila at mga biyaheng lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply