Ceramic tiles, luxury car nasabat ng Customs

INIUTOS ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang pagkumpiska ng 16 twenty-footer na container vans na naglalaman ng mga ceramic tiles na gawang China na nagkakahalaga ng P16 milyon at idineklarang mga floor coverings at carpet tiles  ng Condor Enterprises.

Ang iligal na importasyon ay natiktikan ng Enforcement and Security Services (ESS) base sa impormasyon na ibinigay ni Benjamin Tibayan, pangulo ng Ceramic Tiles Manufacturers Association.

Inirekomenda ni Customs Police Director Nestorio Gualberto  kay Deputy Commissioner Horacio Suansing  ang pag-isyu ng alert order laban sa mga kargamento na dumaong sa Manila International Container Port sakay ng MV Song Yun He at MV Sinotrans Shenzen.

Ayon kay Suansing, ang buong kargamento ay nagkakahalaga ng P16 milyon, gayung idineklara lamang ito ng Condor Enterprises sa halagang $99,712 o P4.4 milyon lamang.

Nakumpiska rin  ng Bureau of Customs ang isang container van na naglalaman ng isang gamit ng kotse na 2009 model na VOLVO na naka-consign sa isang Plamen Veselinov Troanski ng Agaba, Jordan at walang kaukulang permit mula sa Bureau of Import Services  ng Department of Trade and Industry at lumabag sa Section 2503 ng TCCP kaugnay ng PD 1866.

Hiniling ni SPAS Marlon Alameda, District Commander ng MICP-DO, ang 100 porsiyento na eksaminasyon ng nabanggit na kotse upang malaman kung ano pa ang nilabag ng kargamento bago isyuhan ng Warrant of Seizure and Detention. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply