Cessna plane bumaligtad sa pag-landing sa Isabela

BUMALIGTAD ang isang Cessna plane sa pag-landing nito sa Macunacon Municipal Airport sa Isabela Miyerkule alas-onse ng umaga.

Ang Cessna training aircraft ay pinalilipad ng isang Capt. Sadique.

Ayon kay Senior Supt. Jimmy Rivera, umalis ang eroplano sa bayan ng Cauayan dakong 10:30 ng umaga at dumaan sa Sierra Madre.

Hinihinalang ang malakas na hangin ang dahilan sa pagbaligtad ng naturang eroplano.

Patuloy na iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply