GMA kinasuhan ng paglabag sa human rights

PORMAL ng sinampahan ng kasong sibil sa Quezon City Regional Trail Court ng simbahang United Church of Christ in the Philippines (UCCP) laban sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay kaugnay sa umano’y pagpatay at pangha-harass sa ilang lider ng simbahan ng rehimeng Arroyo noong termino pa nito.

Ayon kay Bishop Reuel Norman Marigza, secretary-general ng UCCP, batay sa kanilang talaan, 18 na ang napapatay sa kanilang hanay, isa ang nawawala hanggang sa ngayon.

Hindi rin aniya pinaligtas dito ang mga miyembro ng UCCP sa pangha-harass sa mga kampanya ng gobyerno laban sa insurgency kung saan binabansagan pa silang kalaban ng estado.

Umaasa ang grupo na sa kanilang pagsasampa ng kaso ay tuluyan nang wawakasan ang tinatawag nilang “impunity” sa nakalipas na administrasyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply