Cha-Cha, gusto nang talakayin ni Enrile

INIHAYAG ni Senate President Juan Ponce Enrile na maaari nang buksan ang diskusyon sa pagbabago ng Saligang Batas o charter change na lilimitahan lamang sa probisyong pang-ekonomiya upang makaakit ng dayuhang pamuhunan na may espisipikong pagmamay-ari sa lupain.

Sa lingguhang Kapihan sa Senado Forum, sinabi ni Enriile na nakipag-usap na siya kay House Speaker Feliciano Belmonte hinggil sa panukalang buksan ang diskusyon sa charter change upang matugunan ang pangangailangan sa pagsugpo sa kahirapan.

“Kaming dalawa ni Speaker nag-usap na siguro panahon na pag-usapan na rebisahin ‘yung economic provision ng Saligang Batas. Wag nating gagalawin yung istruktura nung gobyerno,” aniya.

Naniniwala si Enrile na may ilang economic provision sa Saligang Batas ang nagsisilbing hadlang sa ating adhikain na lumikha ng hanapbuhay tulad ng limitasyon ng dayuhan sa pag-aari ng lupain at ilang industriya.

Ayon kay Enrile, kung pinag-uusapan ang pagsugpo sa kahirapan ngunit wala namang ginagawang mahahalagang bagay upang tugunan ang kahirapan, mananatiling ganito ang bansa, pero kung magkakaroon ng pagbabago, maaari nang baklasin ng Kongreso ang hadlang.

“I’m not saying that we abandon (60/40 ownership) completely. But what I’m saying is that we must release the rigidity and leave it to Congress what businesses must be reserved to Filipinos and what are open to foreigners so that we widen the area of foreign participation in the investment climate in the country,” paliwanag niya.

Aniya, dapat ibigay ng taumbayan sa Kongreso ang kapasyahan na magdesisyon kung ano ang hatian sa pagmamay-ari ng negosyo ng mga Filipino depende sa kahalagahan ng isang industriya sa ating bansa upang pumasok ang pamuhunan.

“But under the present situation kung gusto nilang magtayo ng hotel dito, they have to use a dummy to put up a hotel, to buy the land because they cannot own the land,” paliwanag niya.

Naniniwala rin si Enrile na kapag naalis ang pagbabawal sa minahan, sa pagmamay-ari ng lupain at pampublikong utilities, mabebenipisyuhan ang mamamayan sa pamamagitan ng buwis, hanapbuhay at tataas ang pagtitiwala ng dayuhan sa pamuhunan sa bansa.

Tiniyak pa ni Enrile na hindi magbubukas ng panukala ng pintuan para sa mga pansariling interes, kundi pipili ng pinakamahusay na gatekeeper at nasa taumbayan na kung sino ang pipiliin na pinakamahusay na gatekeeper.

“ Wala pang bill. I am just provoking a discussion because in a society, we must discuss these things. I am not saying it (Cha-Cha) is a priority.  I am talking of an enlightened discussion on a very basic issue.,” aniya.

Kailangan din umanong magkaroon ng kasunduan ang lahat ng miyembro ng Kongreso kung anong probisyon lamang ang gagalawin sa Saligang Batas, at kung lalabas sa pinag-usapan, hindi maaaring tanggapin.

“We can agree that this is the agenda. Anybody who will present an agenda that is not in the approved legislative, approved by Congress as an agenda for Constitutional Revision, will not be accepted,” aniya.

“Puwede ‘yun ililista natin, pipirma lahat ng mga Congressman at Senador. ‘Yun lang gagawin natin, pwede ‘yun,” patapos ni Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply