ChaCha suportado ni Gloria

BUO ang suporta ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Charter Change.

Sinabi ni GMA na hindi masyadong isyu sa kanya kung anong proseso ang gagamitin dahil ang mahalaga ay maamiyendahan ang Saligang Batas sa mga probisyong dapat mang baguhin.

“I support charter change. The strategic issue is the charter change and the mode is not an operational issue,” ani GMA.

Sa ngayon ay nakabinbin ang mga panukala ukol sa ChaCha kung saan karamihan sa mga nagsusulong ay pabor sa constitutional convention (ConCon) kaysa sa Constitutional Assembly (ConAs) dahil mas makatitipid ang gobyerno.

Bukod pa rito, nais ng mga kongresista na magkaroon ng hiwalay na delegasyon sa ConCon na pipiliin at isasabay sa mga susunod na eleksyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply