Champ vs champ sa FilOil V Hanes Preseason Cup

ANG salpukan ng mga kampeon ng dalawang collegiate leagues ay naplantsa na sa FilOil Flying V Hanes Premiere Preseason Cup.

Sinalampak ng UAAP 3-peat Ateneo Blue Eagles sa kanilang unang kabiguan ang Far Eastern University Tamaraws sa kompetisyon sa iskor na 82-76.

Pinatigil naman ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) titleholder San Beda Red Lions ang surprise semifinalist na Adamson Falcons, 82-78.

Sisimulan ngayong Linggo ang one-game championship sa pagitan ng Blue Eagles at Red Lions, 3:30 p.m. sa The Arena sa San Juan City.

Malaking bentaha ang bagong rekrut ni Coach Norman Black na si Greg Slaughter na kumamada ng 24 puntos, kumalawit ng 14 boards at nakablanka ng minsan.

Sa kabila ng 30 puntos na pinaghatian nina R.R. Garcia at ng beteranong si Aldrech Ramos ay kinapos ang Morayta dribblers na inalat ng tuluyan nang patalsikin sa playing court si Coach Bert Torres dulot ng two technical fouls may 6:52 minutos sa third quarter, habang angat ang Eagles sa iskor na 53-34.

Sa unang semifinal na laro, sumandal ang Red Lions ni Coach Frankie Lim sa higanteng Nigerian na si Ola Adeogun na pumuntos ng 15 puntos katulad na dani na ibinuslo ni Garbo Lanete sa pagpapatahimik sa ambisyosong Adamson Falcons, 82-78.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply