Chavez umurong sa pagka-Ombudsman

UMATRAS na sa kanyang nominasyon sa pagiging Ombudsman si dating Solicitor General Frank Chavez.

Ayon ay Chavez personal niyang ipinarating sa Judicial and Bar Council (JBC) ang desisyon na i-withdraw ang nominasyon para maging susunod na Ombudsman.

Ipinaliwanag ni Chavez na hindi lamang personal na desisyon ang kanyang ginawa bagkus ay desisyon ito ng kanyang buong pamilya.

“They don’t want me to go through the stress and strain that go with the job as Ombudsman. My family does not want me to have more enemies in the next seven years, if chosen to head the anti-graft office. They also told me I should just give way for younger, equally qualified candidates,” paliwanag ni Chavez.

Si Chavez ay nagsilbing Solicitor General noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Sa ngayon ay 26 na lamang ang nominado para sa posisyong nabakante ng nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Patuloy pa rin ang ginagawang public interview ng JBC at sa susunod na linggo ay inaasahan na makapagsusumite na ito ng shortlist sa Malakanyang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply