Checkpoints vs botchang isda inilatag ng NCRPO

INIUTOS ng hepe National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Chief Supt. Allan Purisima ang paglalagay ng mga checkpoint sa mga hangganan ng Metro Manila upang hulihin ang mga magtatangkang ipasok ang mga isdang botcha sa Kamaynilaan.

Ito ay kaugnay ng mga ulat na inihahalo ang mga botchang isda sa mga sariwa upang hindi mahalata at maibenta sa mga pamilihan.

Pinaniniwalaang ito ay desperadong hakbangin ng mga mga negosyante na nalulugi dahil sa fishkill sa Batangas at Pangasinan.

Inatasan din ni Purisima na sumama ang mga unipormadong pulis sa mga inspection team ng mga city hall na umiikot sa mga palengke upang maiwasan ang gulo sakaling tumanggi ang mga nagtitinda na makumpiska ang kanilang mga panindang napatunayang botcha pala.

Isang insidente ang naiulat kung saan ang isang nagtitinda ng isda sa isang palengke sa Quezon City ay lumaban sa mga miyembro ng isang inspection team at tumangging ipakumpiska ang kanilang mga isda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply