Check-up kina Andal Sr., Zaldy pinayagan ng korte

APRUBADO na sa korte para sumailalim sa regular check-up sina Andal Ampatuan Sr., at anak na si dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na kapwa suspek sa naganap na masaker sa Maguindanao, ikinamatay ng 57 katao.

Ito ang pasya ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon City Regional Trial Court branch 221 batay sa sulat na isinumite ni S/Insp. Bernardino Edgar Camus ang officer in charge ng kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan hiniling ng mag-ama na isailalim sila sa medical check-up.

Idinadaing ni Zaldy ang kanyang diabetes habang si Andal Sr ay ang kanyang diabetes, hypertension, asthma, osteoarthritis at external hemorrhoids.

Ayon pa kay Camus, hindi umano magawa ni Dr. Agnes Aglipay ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region ang check-up sa dalawa sa loob ng detention facility.

Kailangan din umano ang mahigpit na monitor sa kalusugan ng mag-amang Ampatuan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply