Chile nilindol

NILINDOL nang may magnitude 6.5 ang northern Chile na nagdulot ng takot sa mga tao roon dahilan upang magsilabasan sila sa mga gusali.

Batay sa ulat ng US Geological Survey, natagpuan ang sentro ng lindol sa 55 kilometro kanluran ng Calama.

Halos isang minuto umano na tumagal ang pagyanig at naramdaman ang malakas na intensity sa Iquique, Alto Hospicio at Pica.

Wala namang tsunami na naitala kasunod ng lindol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply