China binatikos sa isyu sa South China Sea

MARIING binatikos ng pamahalaang Pilipinas at Vietnam ang panghihimasok ng China sa pinag-aagawang South China Sea.

Sa ginanap na security forum, binatikos ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang naiulat na military activity ng China sa disputed areas, na aniya’y nagdudulot lamang ng tensyon sa pagitan ng mga claimant-states.

“Such a sense of insecurity also results when ordinary fishermen are warned by foreign vessels prompting them to leave the area,” ayon kay Gazmin.

Sa nabanggit na pagpupulong ay dumalo rin si Chinese Defense Minister Liang Guanglie.

Una ng inakusahan ng Pilipinas ang China na umano’y nanghihimasok sa teritoryo ng bansa, matapos ang namataang mga Chinese naval vessel sa area at ang insidente ng pananakot ng mga barkong-pandigma nito sa barko ng Pilipinas na nagsagawa ng oil exploration sa Spratly Islands.

Nitong nakaraang Mayo, nagreklamo naman ang Vietnam sa umano’y ginawang pananakot ng Chinese ship sa isang Vietnamese oil exploration vessel sa Paracels at Spratly Islands.

Ayon naman kay Defense Minister Phung Quang Thanh ng Vietnam, umaasa umano silang tutuparin ng China ang mga pahayag nitong idadaan sa mapayapang paraan ang pagresolba sa territorial dispute.

“I fully propose that we must exercise restraint and patience and commitment to solve these issues, these differences, by peaceful means. We must strictly observe the DOC,” giit ng Vietnamese general.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply