China nagtayo ng oil rig sa Spratlys

KAHIT bala ng tirador ay walang pinakawalan ang militar sa muling paglapastangan ng China sa bakuran nito sa Spratlys.

Nagtatayo umano ng mga poste ang mga Tsino sa Iroquois Bank doon na 125 milya mula sa southwestern Palawan at nagbababa ang mga barko ng mga ito ng mga materyales sa pagtatayo ng mga imprastraktura ayon sa militar.

Ang tanging nagawa ng mga opisyal ng Pilipinas ay ang magmakaawa sa mga diplomat ng China at magprotesta  sa pinakahuling aktibidad sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.

Pinatawag ni Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario ang opisyal ng China upang linawin sa mga ito na paglabag sa 2002 accord  na walang gagalaw sa mga bahagi ng Spratlys na magsisilbing mitsa ng di-pagkakaunawaan at gulo sa rehiyon.

Noong nakaraang Biyernes ay nagkaroon ng pulong ang DFA at Chinese Embassy  tungkol sa mga balita sa Chinese media sa planong pagtatayo ng pinakamodernong panghukay ng langis ng China sa South China Sea kung saan itinanong ng Pilipinas kung saan eksaktong itatayo ang nasabing oil rig at ipinaalala na hindi ito maaaring itayo sa teritoryo na inaangkin ng Pilipinas.

Sa nasabing pulong ay pinagtibay ng dalawang bansa ang hangaring panatilihin ang kapayapaan sa lugar at magandang bilateral na relasyon. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply