China tutupad na sa kasunduan sa Spratlys

NANGAKO ang pamahalaang China na tutuparin ang napagkasunduan para mapanatili ang kapayapaan at  kapanatagan sa South China Sea.

Ang pangako ng China ay inihayag sa harap ng Amerika at mga karatig bansa sa Asya, at tiniyak ngayon ng China na pananatilihin ang kapayapaan at stability sa South China Sea.

Nauna rito, tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang seryosong paglabag sa soberenya at maritime jurisdiction ng bansa ang pinakahuling pagkakatuklas ng presensya ng mga barko ng China at iba pang Chinese activities sa West Philippine sea.

Ito ay kasunod ng muling pagbuhay ng US sa pangamba nito sa territorial dispute sa Asya kaugnay sa pinag-aagawang Spratlys island.

Inihayag ni Chinese Defense minister, Gen. Liang Guanglie, na tutuparin nila ang kasunduan para sa mapayapang pagresolba sa agawan ng Spratly.

Ngunit hindi binanggit ni Liang ang patungkol sa “freedom of navigation and overflight” sa South China Sea.

Napag-alaman na nitong mga nakaraang buwan ay inakusahan ang China ng harassment sa mga sundalo ng iba pang bansa na nagki-claim din sa Spratlys, partikular ang Pilipinas.

Sa mga nakalipas na linggo, sinasabing pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga barko ng China ngunit iginiit ng huli na hindi sila banta sa kapayapaan sa mundo at defensive lang aniya ang kanilang military policy.

Ayon kay Liang, hindi dapat tingnan ang ekonomiya o military force ng isang bansa sa paghusga kung isa itong banta sa world peace, kung hindi sa policy.

Maging ang modernisasyon at expansion ng Chinese military ay pinabulaanan ni Liang.

Ngunit si Vietnamese defense minister Gen. Phung Quang Thanh ay nanawagan na magkaroon ng code of conduct sa pagitan ng ASEAN at China para maiwasan ang tensyon sa isyu ng Spratly.

Ginunita ni Thanh ang pangyayari na pinutol umano ang surveying cables ng Vietnamese exploration vessel at nagpasensiya aniya ang Vietnam pero hindi nila gustong maulit pa ito.

Nagbabala naman si US Defense Secretary Robert Gates na hindi maiiwasang magkaroon ng digmaan kung hindi marunong ang mga bansang nag-aagawan sa Spratlys na humanap ng paraan kung paano maresolba ang gulo.

Ang Spratlys ay pinag-aagawan ng China, Pilipinas, Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply