Chinese products ‘wag tangkilikin– Gov. Salceda

IMINUNGKAHI ng ekonomistang gobernador sa Albay na si Joey Salceda na huwag nang tangkilikin ang produktong gawa sa China bilang reaksyon sa pinag-aagawang Spratly Island.

Ang mungkani ng gobernador ay inihayag kasabay ng selebrasyon ng ika-113 anibersaryo ng kalayaan ng bansa kaugnay sa reaksyon ng pamahalaang China na hindi na dapat pang makialam ang Pilipinas sa kontrobersyal at pinag-aagawang Spratly Islands.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, sa paraang ito ay maririnig ng China ang boses ng mga Filipino.

Kulang man umano sa kagamitang militar ang bansa upang depensahan ang naturang isla, sinasabi pa rin sa international law na may karapatan dito ang Pilipinas.

“Ang sabi nga sa militar, what you cannot defend is not yours. So, since our military cannot defend those islands, it’s not ours?,” ang patutsada ni Salceda.

Ayon pa sa gobernador, kinakailangan lamang na magsakripisyo ng kaunti ang mga Pinoy dahil walang kakayahan para angkinin ang isla.

Halimbawa na lamang umano ang hindi muna pagpunta sa Disneyland o kaya huwag na munang mag-shopping sa Macau.

Binigyang diin ng opisyal na walang dapat ikatakot ang bansa kung mag-alisan man ang mga investors mula China dahil hindi hamak na mas malaki ang investment ng Pilipinas sa China kung ikukumpara sa investment nito sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Gov. Salceda, kaunti lamang ang bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa China at hindi rin umano ito makaaapekto sa relasyon ng mga Chinese sa mga Pinoy dahil ang talagang may problema ay ang mga lider ng nasabing bansa at hindi ang mga mamamayan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply