Eleksyon sa ARMM isusulong ni Chiz

MULING nagmatigas si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pagsusulong ng administrasyon na ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, partikular sa katuwiran ng pagbubuwag sa pribadong hukbo sa Mindanao.

Ayon kay Escudero, hindi na kailangan pang ipagpaliban ang eleksyon sa nasabing rehiyon upang maisakatuparan lamang ang kampanya ng administrasyon na mabuwag ang mga pribadong hukbo dahil nakatakda na ito sa Saligang Batas.

Sa bilang ng Department of the Interior and Local Government (DILG), umaabot sa 40 ang bilang ng mga private army sa Mindanao pa lamang.

Ginagamit ang pribadong hukbo ng ilang dinastiya sa pulitika sa bansa upang manatili sila sa poder.

Sinabi ni Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, na patakaran na ng estado ang pagbuwag sa pribadong hukbo na nakatakda sa Saligang Batas kaya’t hindi na kailangan pang pigilan ang prosesong konstitusiyunal tulad sa nakatakdang halalan sa ARMM.

Tinukoy ni Escudero ang Section 2, Article XVIII ng Saligang Batas na nagsasabing, “private armies and other private armed groups not recognized by duly constituted authority shall be dismantled.”

Isa ang DILG sa mga nagnanais ng pagpapaliban ng halalan sa pagsasabing kailangan ito dahil kailangan nakapokus ang pamahalaan sa pagbubuwag ng pribadong hukbo upang tuluyan nang mabura ang controlled votes sa rehiyon.

Ngunit, sinalungat ito ni Escudero sa pagsasabing maaaring buwagin ang pribadong hukbo kahit anupaman ang nangyayaring pulitikal sa lugar.

“Why wait for postponement of election before it be done? If reforms are needed in ARMM to strengthen its mandate, its implementation need not be confined in suspended animation. Regardless of an election or none, the DILG is well within its mandate to pursue this intent,” giit ni Escudero.

Sa ganitong punto, inihain ni Escudero ang isang panukalang batas sa ilalim ng Senate Bill 2165 o tinaguriang Anti-Private Army and Private Armed Groups Act of 2010 na naglalayong mahigpit na ipatupad ng pamahalaan ang pagbubuwag sa pribadong hukbo.

“In the said bill, leadership and membership in any private armed group and refusal to disband after notice from authority is prohibited. Likewise, any abuse of various permits pertaining to firearms, utilization of paramilitary forces as private armed groups and protection, financing and supplying private armed groups is punishable,” paliwanag ni Escudero.

“If we need to keep private armies in check and disable them to operate beyond our Constitutional framework, what we need is to strengthen its implementation and not disrupt any constitutional processes” paliwanag pa ni Escudero.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply