Civilian patrol vessel ipinadala ng China sa Spratlys

NAGPAKITANG gilas sa pamamagitan nang pagpapadala ng pinakamalaking civilian patrol ang China sa South China Sea sa harap ng namumuong tensyon sa pagitan ng mga bansa sa paligid ng Spratly Islands.

Ang civilian sea patrol ay iniulat na umalis sa Suoth China noong Miyerkules, Hunyo 15, at patungo sa Singapore na daraan sa isla na sasalubong sa nagpapatrulyang vessel ng Vietnam at ng Pilipinas.

Ang Haixun 31 maritime patrol ship na may timbang na 3,000 tonnes, ay may kargang helicopter launch pad at makapamamalagi umano ng 40 araw sa karagatan.

Nag-ugat ang pagkilos na ito ng China noong nakaraang linggo nang akusahan ng Vietnam at ng Pilipinas na nakiki-alam ang China sa iligal na pananakop sa territorial waters sa karagatang dinaraanan ng kani-kanilang sasakyang pandagat.

Hindi naman binanggit kung may kaugnayan sa hidwaan sa Spratly Islands ang pagpapakitang puwersa ng China, pero inihayag na ipinakikita lamang ng Beijing na kaya nilang idepensa ang territorial claims

“Throughout its journey, it will carry out patrolling of the marine areas being developed by China in the South China Sea,” ayon sa ulat ng Takung Pao, isang  Chinese-language Hong Kong newspaper.

Maliban sa China at Pilipinas kabilang sa mga umaangkin sa territoryo sa South China Sea, na tinatawag na ngayong West Philippine Sea ng bansa ay ang Malaysia, Brunei at Taiwan.

Ang China umano ang nakasasakop sa malaking bahagi sa karagatan na may 648,000 square miles (1.7 million square km), kasama rito ang Spratly at kanugnog na lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply