Class suit ng magniniyog ibinasura ng Sandiganbayan

TINABLA ng Sandiganbayan First Division ang class suit na inihain ng mga coco farmers noong 2001 na may kaugnayan sa usapin ng coco levy funds.

Matatandaan na naghain ng class suit and Pambansang Koalisyon ng mga Samahang Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan, Coconut Industry Reform Movement, Buklod ng Manggagawang Magbubukid, Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka, Center for Agrarian Reform, Empowerment and Transformation, at Pambasang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan.

Nagpalabas kasi ng resolusyon ang anti-graft court at kinatigan nito ang motion to dismiss ng mga inirereklamo na kinabibilangan ng United Coconut Planters Bank, Senate President Juan Ponce Enrile, Jakarta Investments, Inc., at ACCRA Investment Corporation.

Kasama rin sa akusado ang mga negosyanteng sina Eduardo “Danding” Cojuangco, kaya ibig sabihin lamang ay pabor din ito sa desisyon ng korte.

Binigyang-linaw ng First Division na bagama’t tungkol sa coco levy funds ang class suit, labas naman ito sa hurisdiksyon ng korte sapagkat hindi ito inisyatiba ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Kailangan umanong kasama sa partido ang PCGG para masakop sa hurisdiksyon ng anti-graft court ang naturang kaso.

Iginiit pa ng korte na ang paghahabol sa umano’y iligal na yaman ng pamilya Marcos ay para lamang sa gobyerno. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply