Class walkout, ikakasa sa Huwebes

MAGWO-walk out sa klase ang mga estudyante sa Huwebes, Hunyo 30, bilang pagpapahayag ng pagkadismaya sa isang taong pamumuno ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kaugnay nito, pinangunahan kahapon ng Anakbayan ang solidarity march sa loob ng UP-Diliman Campus sa Quezon City para himukin ang mga mag-aaral na makiisa sa class walk out.

Sa ginanap na forum kahapon ng mga student group, kanilang ipinahayag ang matinding diskuntento kay Pangulong Aquino at tinawag nilang inutil at manhid taliwas sa ipinangako nito mula ng maupo sa puwesto.

Matapos umano ang halos isang taon, hindi nagkatotoo ang pangako ng Pangulo sa publiko na “Kayo ang boss ko,” “Tuwid na daan” at “Puwede nang mangarap sa ilalim ng kanyang Administrasyon.”

Sinabi ni Vencer Crisostomo, Chairperson ng Anakbayan, wala ring bago sa Aquino administration. Aniya, anti-people rin ito dahil sa mga maling polisiya at nagpapadala rin sa US intervention.

Samantala, pinaghahandaan na din ng mga student organization ang nationwide boycott ng klase sa Hulyo 19 at paglahok sa People’s Sona sa Hulyo 25 kasabay ng ikalawang state of the nation address (SONA) ni Pangulong  Aquino.

Magsasama-sama ang Anakbayan, League of the Filipino Students, Student Christian Movement, Artist Group na Karatula at National Union of Students of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply