Claudine gusto nang bumalik sa Dos!

NAHIHIRAPAN na raw ang GMA-7 kung ano ang gagawin nila kay Claudine Barretto. Last month pa raw sana ito nagkaroon ng telesrye sa GMA, kaya lang palaging marami raw itong demands.

Dapat last month pa raw mag-uumpisang gumiling ang camera para sa bagong teleserye nito kaya lang nung araw mismo ng first shooting day ay nagreklamo raw ito sa kanyang role at hindi raw nagustuhan.

Nag-request daw na baguhin ang kanyang role sa nasabing teleserye.

Kaya hindi na naman nakapag-uumpisa ang boung production sa kanilang taping dahil pinabago ni Claudine ang script. Gusto na nga daw sana palitan ng direktor ang aktres para makapag-umpisa na sila. Kaya lang, hindi naman pwedeng palitan ang aktres agad-agad dahil may pinirmahan itong kontrata sa GMA na gagawa siya ng mga teleserye.

Pero may balita na kaya raw naman maraming demands si Claudine ngayon sa GMA ay dahil may plano na itong bumalik sa ABS-CBN. Matagal na raw gustong bumalik nito sa dating home studio kaya lang hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga taong dati niyang nakasama.

Matatandaang nagkaroon ng problema si Claudine sa mga taga-Star Magic nang maka-alitan niya ang aktres na si Angelica Panganiban.

***

Jennylyn hate maging nuestra senyora de abono y paragastos

NAPANOOD namin kamakailan si Jennylyn Mercado sa “Showbiz Central” na mukhang ang saya-saya niya. Nang makita namin kung sino ang kaharap ay ang dating boyfriend pala at ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia. Kung dati ay abot hanggang langit ang galit ni Jennylyn sa dating boyfriend dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya, ngayon, mukhang may nararamdaman pa rin siya kay Patrick.

Nakapagtataka na nung oras na kinikilig si Jennylyn kay Patrick ay may isyu na nagdi-date na sila ni Luis Manzano.

Pero ang balita, na-turn off daw si Jennylyn kay Luis kaya mukhang type niyang makipagbalikan kay Patrick.

Ang dahilan kung bakit na turn-off daw si Jennylyn kay Luis ay dahil palaging siya raw ang nagbabayad sa bill tuwing magde-date ang dalawa. Hindi daw type ng singer/actress na maging “mamasang” or “asukarera de mama” kaya  hindi na raw ito nakikipagkita sa actor/host tuwing nagyayaya raw itong lumabas.

Super kuripot daw si Luis?

Ganun?

***

NAGKAROON ng episode ang Jessica Soho sa GMA-7 para sa mga artista natin na habang nag-aartista ay pinagsasabay ang pag-aartista at pagiging teacher. Naroon sina Malou de Guzman na nagtuturo din pala sa UP, at itong si Dante Balboa na dating sexy actor, ay aktibo pala siya sa pagtuturo sa PUP.

Napanood namin ang kanyang interbyu at humanga kami sa kanya na kahit na naging sexy actor siya nung panahon ng kasagsagan ng sexy films ay hindi niya ikinahihiya na nagpasexy siya sa pelikula.

Ipinagmamalaki pa rin niya na naging sexy actor siya dahil dun naman talaga siya nakilala ng lahat at para sa kanya wala naman daw talagang masamang magpa-sexy.

Sa ngayon, habang hindi siya abala sa showbiz ay naka-concentrate siya sa pagtuturo sa PUP and at the same time ay kumukuha siya ng kanyang masteral degree.

Pero plano pa rin ni Dante na bumalik sa pag-aartista dahil nami-miss niya ang buhay artista.

Sana muling mabigyan ng pagkakataon na makabalik si Dante sa showbiz dahil marunong naman siyang umarte at napaka-professional niyang tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply