Clean-up Manila Bay Run, hahagibis

HAHAGBIS na ang isang hagaran sa lansangan na tinutudla ang malinis na katubigan ng Manila Bay sa darating na Hulyo 17, na magsisimula at magtatapos sa lansangan sa tapat ng Manila Broadcasting Company (MBC), Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City.

Binansagang MBC-Manila Bay Clean-up Run ang four-in-one footrace ay katatampukan ng 21 kilometrong ruta na may mga side-event na 10, 5, at 3km distansiya sa habulang itinataguyod ng Smart Communications, Naproxin Sodium, Lhuillier, Cobra Energy Drink at 100 Plus.

May tropeyo at salaping gantimpala ang nakalaan sa unang tatlong lalaki at babae sa apat na kategoryang nabanggit, samantalang may pampalubag-loob na cash prize para sa pang-apat hanggang pang-sampung runner na tatawid ng meta.

Ang grupong may pinakamaraming kalahok na mananakbo, kasama ang papangalawa at ang kukuha ng tanso, ay bibigyan ng pagkilala ng mga punong abala. Para sa iba pang kaalaman, mangyaring tawagan ang mga teleponong may bilang na (02)482-51-43 at (0926)205-27-87.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply